10.13.2008

Level-up Live 2008: Rise of the Gaming Gods


Kamusta Flyffers?

Heto na naman tayo sa Level-up Live! Isang buong linggo ng kasiyahan at gaming handog ng inyong mga paboritong laro. Naalala n’yo ba yung mga happenings last year? Andaming nagpunta, lalo na ang mga Early Birds! Itong taon na to, mas madami kaming pakulo, at mas masaya!

What: Level-up! Live 2008: Rise of the Gaming Gods
Where: World Trade Center, Pasay City
When: October 18 and 19

Para sa mga pumunta noong Road to Live, libre na po ang entrance n’yo! Basta ipakita lang ang pass na nakuha sa event!

Ito ang mga gimik na maaring gawin sa Live:

Early Bird
Pumila ng maaga at makakuha ng premyo! At dahil mahal namin kayo, pinalitan naming ang premyo! Cloud Board pa rin! Pero hindi na Red… GOLD na! 300 sa day 1 at 200 sa day 2!

Entrance/LU Live Passport
Kailangan magpakita ng unused 50php card o Level-up Gamer Sim para makakuha ng passport. Itong passport na ito ay magsisilbing raffle stub at passes sa iba’t ibang activities na nasa loob.

Free Item Card!
Lahat ng Flyffers na nagregister sa entrance ay magkakaroon nito! Ano kaya ang laman? Sikreto! Hanapin sa internet!


Kapag nakapasok na sa loob ng WTC, magsaya at maaliw sa mga pakulo!
Tournament Finals – HoDET
Flyff Trampoline
V12 play testing
Buy Flyff souvenirs
LU Town
Cosplay
Band Performances by: Mayonnaise, Ang Bandang Shirley, D-Coy, Kevin Roy, at marami pang iba!

Raffle
Ito ang aming ipamimigay sa event: Clockbike, Dragon Cloak, at DARTH VADER SET! Swertehin ka kaya? Isama na ang buong angkan! Mas madami, mas masaya!

Sobrang laki ng ating venue this year. Kung maari, mag-set kayo ng Guild EB doon. Lapitan lang ako o si Tyler at maari kaming magbigay ng munting items tulad ng Shirts na pwedeng i-raffle sa guild n’yo. Syempre, dapat madami kayo. tongue.gif

O sya, kitakits tayo!

-Atma

1 comment:

Anonymous said...

I just discovered the website who discuss about
many
home business opportunity

If you want to know more here it is
home business opportunity
www.home-businessreviews.com

I just listened to: